Reminiscence Gardening

Maligayang pagdating sa Reminiscence Gardening, ang programa ng UCCE Master Gardener ng lalawigan ng San Diego.

Mahigit pa sa tatlong taon, ang mga boluntaryong Master Gardeners ay naglilingkod ng aktibidad na Tanim Pang-mesa para sa komunidad para sa mga taong nakalimot sa mga pamayanan ng San Diego at sa Alzheimers San Diego.

Maraming taong nakakaalam mismo ang responsibilidad ng pag-aalaga ng kapamilya o kabiyak na namumuhay na merong Alzheimer o iba pang uri ng dimensya. Kinikilala ng Master Gardeners ang pangangailangan ng pang araw-araw na karanasan sa mga kulang sa serbisyong pang publiko.

Ang Reminiscence Gardening ay nagbibigay ng sunod-sunod na tagubilin para sa aktibidad sa hardin na madaling gawin sa bahay at kasama sa iba- ibang antas ng dimensya.

Dito, mahahanap mo ang mga plano para sa mga aktibidad na malikhain. Ikaw at ang iyong kasama ay puwedeng makaranas ng kasiyahan, at nagbibigay ng kaginhawan upang maalala ang mga nakaraan na araw tulad ng pangunguha ng kabibe sa tabing dagat, maalala ang mga iba-ibang kulay, malanghap, at maramdaman ang mga halaman sa hardin o sa isang tahimik na pag-alaala sa isat-isa. Ang importante ay magkaraon ng oras ang bawat isa na maging masaya!


 

Ang simpleng aktibidad na ito ay gumagamit ng mga pinagputulan ng sukulento galing sa iyong hardin kasama ang mga ordinaryong gamit pang-bahay para gumawa ng isang maganda at natatanging halamanan. Bago ka magsimula, tipunin ang lahat ng mga materyales at mag-handa ng isang tahimik at komportableng lugar para sa iyo at ng katuwang.

Ang Pag-alaala ng Pag-hahardin ay isang kasiya-siyang aktibidad na makakatulong na suportahan ang isang malusog na pamumuhay para sa mga tao na nabubuhay na may demensya. Ang mga layunin sa aktibidad ay upang pasiglahin ang mga alaala sa hardin, mapalakas ang enerhiya, bumuo ng kumpiyansa, mapanatili ang kakayanan, mapanatili ang layunin sa buhay at kagalakan. Ang mga kalahok at kanilang mga tagapag-alaga ay nakikibahagi sa pisikal, intelektwal, emosyonal at panlipunang mga benepisyo ng paghahardin.

Ang ​Tanim Pang-mesa​ ay nagbibigay inspirasyon sa mga masasayang alaala sa hardin para sa mga kalahok sa pamamagitan ng pagtatanim sa paso o ano mang angkop na lalagyan ng makukulay at mabangong halaman na puwedeng gawin dekorasyon. Ang aktibidad na ito ay kasama para sa lahat ng mga antas ng demensya.

Ang ​Pag-alaala ng Pag-hahardin a​ y isang aktibidad kung saan nakakaranas ang mga kalahok ng pamilyar na amoy, imahe at mga tekstura mula sa hardin na nagbibigay inspirasyon sa mga magagandang alaala. Ang aktibidad na ito ay kasama para sa lahat ng mga antas ng demensya.