Hardin ng Sukulento sa Plato
Ang Pag-alaala ng Pag-hahardin ay isang kasiya-siyang aktibidad na makakatulong na suportahan ang isang malusog na pamumuhay para sa mga tao na nabubuhay na may demensya. Ang mga layunin sa aktibidad ay upang pasiglahin ang mga alaala sa hardin, mapalakas ang enerhiya, bumuo ng kumpiyansa, mapanatili ang kakayanan at mapanatili ang layunin sa buhay at kagalakan. Ang mga kalahok at kanilang mga tagapag-alaga ay nakikibahagi sa pisikal, intelektwal, emosyonal at panlipunang mga benepisyo ng paghahardin.
Ang simpleng aktibidad na ito ay gumagamit ng mga pinagputulan ng sukulento galing sa iyong hardin kasama ang mga ordinaryong gamit pang-bahay para gumawa ng isang maganda at natatanging halamanan. Bago ka magsimula, tipunin ang lahat ng mga materyales at mag-handa ng isang tahimik at komportableng lugar para sa iyo at ng katuwang.
Kapag ang iyong katuwang ay nakaupo na sa mesa, siguraduhin na mag-ukol ng panahon para ma-pagaralan ang mga materyales ~ paghipo, obserbahan ang mga kulay, pag-paparisan at hugis ng mga pinagputulan at ng lalagyan. Ibahagi ang iyong kaalaman sa kanya, halimbawa, "Itong pinutol na halaman ay parang isang maliit na bituin." "Gustung-gusto ko ang salat ng lupa (o buhangin) habang lumalampas ito sa aking mga daliri." "Na-alaala ko noong araw na nag-pupunta kami sa dalampasigan kapag ako ay nakakakita ng kabibi"
Mga Materyales:
- Pinagputulang sukulento, ma-liliit na piraso na may isa o dalawang pulgada ang tangkay. Iwasan ang mga pinagputulan na may matatalim na gilid o tinik, at may mga katas na naka-kairita katulad ng “euphorbias”
- Gamitin ang isang malinis na lalagyan na plastik. Hindi ito kailangang maging malalim, 3-4 na pulgada ay sapat na
- Buhangin o lupang pang-paso
- Mga dikorasyon, halimbawa, maliliit na bato, mga kabibi, abalorio o butones,maliliit na palamuti.
- Tubig sa botelyang pang-isprey.
Mga Hakbangin:
- Lagyan ng lupa o buhangin ng mga kalahating lalim ang pinaka-paso
- Dahan-dahang ipatag ang buhangin / lupa at pagkatapos ay ikumpresa ito
- Itanim ang tangkay ng sukulento sa buhangin/lupa
- Idagdag ang iyong mga dekorasyon
- Ispreyan ng tubig ang halaman minsan sa isang linggo; walang karagdagang tubigang kailangan
- Ilagay sa maliwanag na lugar, pero hindi sa direktang arawSenyas: Para sa madaling paglilinis, gumamit ng takip na plastiko, makapal na papel o kaya ay diyaryo pang-takip sa ibabaw ng pinag-gagawaan.